procurement banner1

Wednesday, January 22, 2025

Invitation to Bid

PAMPANGA ACTION CENTER FOR OFW CONCERNS (PACOC)

 

Isa sa ipinangako ng ating mahal na Ina nang probinsyang kapampangan na si Governor Lilia Pineda sa ating mga kabalen noong panahon ng kampanya  2010 ay ang pagbibigay lingap sa pangangailangan ng mga kapampangan overseas Filipino workers at sa mga pamilya nito.   Sa kanyang pagkaluklok sa pwesto, binigyan niya agad ng kaorasan ang pagtatatag ng isang tanggapan na tutulong sa lahat ng aspeto kasama ang problema ng ating mga kabalen na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya.

 

            At dahil dito, itinatag niya ang Pampanga Action Center for OFW Concerns o ang tinatawag na PACOC, sa ilalim ng Office of the Governor,  noong September 16, 2010 sa pamamagitan ng Executive Order N0. 16-2010. Ang PACOC ay maigting nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya  katulad ng mga Embahada ng Pilipinas sa abroad, sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas & Employment Administration (POEA), Department of Labor and Employment (DOLE), National Bureau of Investigation  (NBI) at ibang pang sangay ng gobyerno na may kinalalaman sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga OFWs. Ito ang kauna-unahang sangay sa buong Pilipinas na naitatag para sa mga OFWs.

 

            Ang tanggapan ay  may adhikaing magbigay tulong sa mga nangangailangang kababayan katulad ng nagnanais umuwi at bumalik sa Pilipinas o ang tinatawag nating Repatriation, sa kadahilanang pisikal na pagmamaltrato ng amo o ang hindi pagtupad sa nakasaad sa Kontratang Empleyo. Nakikipag-ugnayan din ang PACOC sa pagpapauwi ng mga labi ng OFWs na nasawi sa ibang ibayo o human remains repatriation.

 

 Tinataguyod din ng Pampanga Action Center ang pagsugpo sa Human Trafficking at Illegal recruitment sa buong probinsya at  katunayan nito ay ang pakikipagkasundo ng ating Governor sa OWWA, POEA, Commission on Filipino Overseas (CFO), NBI at DOLE sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding o “MOU on the convergence of the Anti-Illegal Recruitment & Campaign Program”, noong nakaraang taon.   Maraming nang kasong illegal recruitment ang isinangguni sa NBI upang matulungan ang mga kababayang nabiktima.

 

At sa mga OFWs na umuwi sa ating bansa at ayaw ng bumalik at magtrabaho sa labas, nakikipagtulungan ang tanggapan sa OWWA at PCEDO upang mabigyan sila ng livelihood projects o pangkabuhayan upang maitaguyod ang pamilya.  Ang iba naman ay binibigyan ng libreng vocational training pati ang mga kaanak sa pamamagitan ng Provincial Manpower and Training Center. Ang ibang OFWs ay hinahanapan ng bagong trabaho, local o overseas, sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO) pati ang ibang miyembro ng kanilang pamilya.

 

Nagpapaabot din ng tulong medical sa mga kabaleng OFWs na may karamdaman at ang pagpapaaral sa mga anak na karapatdapat pag-aralin sa ilalaim ng Educational Assistance Program ng ating mahal na governor.  Kasama sa adhikain ang pagtulong sa mga kasong legal na may kinalaman sa trabaho kasama pati ang paghahanap ng mga nawawalang kapamilya sa abroad.

Nagtatatag din ang Probinsya sa pamamagitan ng PACOC ng isang organisasyon na kinatawan ng mga Kapampangan Overseas Workers na makikinabang sa lahat ng proyekto ng Provincial Government.

 

Sa ngayon, mayroong 2,838 na serbisyong pang OFWs ang ipinaabot ng Pampanga Action Center for OFW Concerns.

 

 

Jessica P. Morales

PACOC

Officer In Charge, PROGRAMS

 

 

Elle

 

 

Procurement

bid1
bid2
bid3
bid4
  • Philippine International Balloon Festival
    March 26-29 - Philippine International Balloon Festival, Lubao Philippine International Balloon Festival
  • Philippine International Hot-Air Balloon Fiesta
    February — Philippine International Hot-Air Balloon Fiesta, Clark Field Philippine International Hot-Air Balloon Fiesta
  • San Pedro Cutud Lenten Rites
    March/April (Good Friday) — San Pedro Cutud Lenten Rites (Mal a Aldo), City of San Fernando San Pedro Cutud Lenten Rites
  • San Guillermo Parish Church
    San Guillermo Parish Church, Bacolor San Guillermo Parish Church
  • Ligligan Parul
    December - Saturday before Christmas Eve — Ligligan Parul (Giant Lantern Festival), City of San Fernando Ligligan Parul
  • Mt. Arayat National Park
    Mt. Arayat National Park (Arayat) Mt. Arayat National Park
  • Mt. Pinatubo Crater Lake
    Mt. Pinatubo Crater Lake (Pampanga/Tarlac/Zambales) Mt. Pinatubo Crater Lake
  • Mount Arayat
    Mount Arayat Mount Arayat
  • Philippine International Balloon Festival
  • Philippine International Hot-Air Balloon Fiesta
  • San Pedro Cutud Lenten Rites
  • San Guillermo Parish Church
  • Ligligan Parul
  • Mt. Arayat National Park
  • Mt. Pinatubo Crater Lake
  • Mount Arayat