PAHAYAG NI GOV. DENNIS DELTA PINEDA SA PAG-AMBUSH KAY ATTY GEROME TUBIG

 Mariin ko po na kinokondena ang pag-ambush kay Provincial Legal Officer Atty. Gerome Tubig kaninang 7:30 ng umaga ngayong ika-17 ng Abril sa Lunsod ng San Fernando habang papunta siya sa isang medical clinic. 

Ang tangkang pagpatay kay Atty. Tubig ay laban sa utos ng Diyos. Ang karahasan ay hindi dapat ginagawa sa ating demokrasya. 

Labis po naming ikinalulungkot ni Vice Governor Nanay, sampu ng mga Provincial Board Members, department heads at mga kawani ng Capitol ang pangyayaring ito. 

Inutusan ko po si Pampanga Police Director Col. Levy Hope Basilio na alamin ang motibo, hulihin, kasuhan at ikulong ang mastermind at gunmen sa krimen na ito. 

Isang milyong piso po (P1 million) ang pabuya na aking ibibigay sa sinumang makakapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa mga pangalan at lokasyon ng mga salarin. 

Hinihingi ko po ang inyong mga dasal para ma-survived ni Atty. Tubig ang pangyayaring ito at makabalik siya sa kanyang pamilya.

RELATED ARTICLES
NOTICE OF AWARD
1 day ago
Bid Documents
1 day ago
Notice to Proceed
2 days ago
Notice of Award
2 days ago
BID BULLETIN
2 days ago
BID BULLETIN
3 days ago