Dengue sa Pampanga, naaalarma ka ba?

“ Maging mapili, dahil ang dengue ay hindi namimili. Kahit sino ka pa, mayaman, mahirap, nakatira sa mansion o sa iskwater, ang dengue ay mangangagat sa balanang katawan at balat.” Lima na ang naitalang patay sa Pampanga ngayong taon dahil sa kagat lamang ni Dengue Mosquito. Hindi tao, hindi bagay kundi insekto pero may pangalan at may apilyido. Kakaiba ito. Gawa-gawa mo lang iyan. Ano ka? Ito ay pumapatay araw at gabi. Baka nga ngayon ay nasa iyong tabi. Nagmamanman, naghihintay si atseng dengue, gusto sa dugo ng tao sa iyong balat ay dumidiskarte. Tapikin mo nga!

Babae ba ang dengue? Ewan ko, pero puwede rin sigurong tawaging Mang Dengue. Whatever! Importante, mag-ingat ka at ang iyong buong pamilya. Hindi masama na magkulambo tuwing gabi. Mabuti na magpatuyo at magtaob ng lumang gulong o bote baka kasi pamahayan at mag-anak pa si Atse kong Dengue.
Mga anak ay pahiran ng lotion na anti-dengue, pero hindi lahat ng lotion ay pwede. Maging mapili, dahil ang dengue ay hindi namimili. Kahit sino ka pa, mayaman, mahirap, nakatira sa mansion o sa iskwater, ang dengue ay mangangagat sa balanang katawan at balat.
Katunayan, dito lamang sa Pampanga, isang libo siyam naraan apat na pu’t lima (1,945) ang nakagat ng lamok na may dalang dengue virus, ayon sa tala ng Provincial Health Office.
Hindi ka ba natatakot? Baka ikaw na ang susunod. Mag-apura, kumilos para hindi mabiktima. Ano kaya ang dapat gawin? Hindi mo ba nabasa iyong nasa itaas? Nabasa, pero iyon lang ba? Marami pa.
Hanapin at wasakin ang tirahan ni Dengue Mosquito. Maaaring iyan ay nasa likod ng bahay mo. Nasa harapan, nasa tagiliran, nasa loob ng bahay mo mismo. Basta maghanap ka kuya.
Pangalawa, kung mataas ang lagnat, huwag kang magdokdoktor-doktoran at uminom ng gamot na kung ano-ano. Magpunta ka sa pinakamalapit na klinika o pagamutan. Pasiyasat mo ang iyong dugo. Ipagawa mo iyong tourniquet. Iyon bang iipitin ng goma ang balat mo. Kapag sa ilang sandali, ay nagkaroon ng pantal-pantal na maliliit ang iyong balat, may rashes ka. Suspected dengue iyan. Huwag magpatumpik-tumpik, magpatingin agad sa ekspertong doctor. Bakit naman expert pa? Hindi kasi lahat ng doctor ay sanay diyan. Baka bigyan ka lang ng medicol o paracetamol, patay kang bata ka. Kasi ang dengue ay nawawala sa pamamagitan ng pag-iinject ng intravenous fluids o IV fluids o dextrose. Kung malala naman, lumalabas na ang maitim na dugo sa iyong ilong o bibig. Dapat nang palitan,banlawan at palabasin ang iyong infected na dugong maitim. Tapos ‘pag magaling na “say no to dengue.”
Angelo Blanco, para kang experto? Hindi naman Mang Dengue, pinapaliwanag ko lang sa salitang madaling maintindihan. Tayo kasi ay natuto sa karanasan. Kasi naman survivor ang aking sambahayan. Dalawa sa anak ko ang nakagat mo, este ng dengue mosquito. Pero sa tulong ng Ama, akabiyusan mi rugo ing kasakitan.
Kaya sana, huwag ng mangyari ito sa iyo at sa iba. Nakakanerbiyos kasi, tatlong raw lang, kundi naagapan, patay kang bata ka.
Kung dengue sa Pampanga ay naaalarma ka. Huwag mo ng hintaying kagatin ka. Kumilos na, ngayon na!
Astig ka kung makautos ha. Mabuti na’ng astig kaysa mabiktima ka. Gusto mo ba?

(Joel P. Mapiles, PIO – Pampanga)

RELATED ARTICLES
Notice of Award
1 day ago
Notice of Award
2 days ago
Notice of Award
2 days ago
Bid Documents
2 days ago

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *